Sumipa ang presyuhan ng ilang gulay sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ramdam ngayon sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ang pagtaas ng ilang gulay. Sa mga pamilihan sa Dagupan City ang bell pepper, umaabot ng limang daan piso ang kada kilo habang naglalaro rin sa P400 ang siling labuyo.
Ang kada kilo ng patatas, nasa P100 na dating P60, sayote na mula P40, ngayon ay P80.
Nasa P60 naman ang kuhaan kada kilo ng pechay at repolyo habang P120 ang per kilo ng broccoli at cauliflower.
Ayon sa mga tindera ng gulay bunsod pa rin umano ito ng epekto ng magkakasunod ng bagyong dumaan sa bansa kung saan apektado ang naging produksyon ng ilang gulay.
Dagdag ng mga ito na pabago-bago minsan ang presyuhan dahil maaaring mataas ito ngayon, bagamat sa mga susunod na araw ay bumababa.
Samantala, inaasahan ng mga ito na lalakas ang bentahan ng mga gulay ngayon at pagkatapos ng Holiday Season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨