
Bahagyang bumaba ang bentahan ng ilang mga gulay sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila ngayong pagpasok ng Bagong Taon.
Ang kada kilo ng bawang at pulang sibuyas ay kapwa mabibili sa P150 habang ang puting sibuyas ay P120 at P140.
Ang kamatis ay mataas pa rin nasa P200 ang kada kilo, luya ay P140, repolyo – P80 habang ang talong ay nasa P120 ang kilo.
Ang patatas at carrots ay kapwa nasa P120, ang ampalaya ay P100 at labanos na nasa P90 ang kilo habang P150 ang kilo ng kalamansi.
Aabot sa P300 ang kilo ng siling green at belle pepper na nasa P350 kung saan pumapalo sa P800 hanggang P1000 ang kada kilo ng siling labuyo.
\
Facebook Comments









