Nananatiling mataas ang presyo ng mga ibinebentang gulay sa San Andres Public Market sa Maynila.
Ito’y dahil sa halos kakaunti lang ang suplay na ibinabagsak sa nasabing palengke.
Ang pulang sibuyas ay mabibili dito ng P110 ang kada kilo habang ang puting sibuyas ay nasa P100 ang kada kilo.
Ang luya ay nasa P170; kamatis – P80 ang kada kilo habang ang bawang ay P130.
Ang kalamansi ay P40; patatas ay nasa P100; carrots – P120; repolyo – P90 at talong ay nasa P110 ang kada kilo.
Ang siling labuyo ay nasa P200; siling green na nasa P70 at bellpepper na nasa P250 ang kada kilo.
Ang sayote ay P60 at ampalaya P80 ang kada kilo kung saan may mabibili naman dito na tumpukan at nakatali na mga gulay kung nais na makatipid.
Facebook Comments