PRESYO NG ILANG ISDA SA MAGSAYSAY FISH MARKET, NAKITAAN NG PAGTAAS; PRESYO NG BANGUS NANATILI

Nakitaan ng pagtaas ang presyo ng ilang isda sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan, ito ay dahil umano sa kaunti ang suplay na nahuhuli sa mga pangisdaan sa lungsod.

Ang pagtaas ng presyo din umano ay dahil sa mga nararanasang mga malalakas na mga pag-uulan.

Nanatili naman ang presyo ng bangus ngayon sa pumapalo lamang 120-130 pesos per kilo dahil ang suplay ay sapat pa umano.


Mahigpit naman din ang monitoring na ginagawa ng pamunuan ng City Agriculture Office ukol sa mga pagbagsak ng mga isda sa pamilihan.

Paliwanag pa ng City Agriculture Office, istrikto din naman umano ang pagbabantay sa mga pumapasok sa mga bangus galing sa ibang bayan at lalawigan ng sa gayon umano ay mapanatili ang kalidad ng mga isdang binebenta dito.

Facebook Comments