Doble ang itinaas ng mga presyo ng ilang mga gulay sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay ang sanhi ng pagkasira ng mga pananim sa mga sakahan dulot ng patuloy na paglakas ng hanging Amihan na naranasan noong ng nakaraang araw.
Ngayong linggo lamang nakitaan ang pagtaas ng ilang gulay gaya na lamang ng talong na nasa P140 na ang kada kilo. Ang kada kilo rin ng sitaw ay nasa P120 na. Tumaas din ang presyo ng okra at kalabasa na nasa P100 ang kada kilo nito.
Samantala, asahan pa na kung magpapatuloy ang mga pag-ulan sa lungsod ay tataas din ang mga presyo ng gulay sa mga pamilihan sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments