PRESYO NG ILANG MGA GULAY SA PANGASINAN, DOBLE ANG IBINABA

Nakitaan ang dobleng pagbaba ng presyo ng ilang mga gulay sa Pangasinan bunga ng labis na suplay ng mga ito ngayon.
Isa sa nakikitang dahilan ang sabay sabay na pag-ani ng mga magsasaka sa ilang mga gulay kaya’t nararanasan ang oversupply ng mga ito.
Ilan sa mga gulay na bumaba ang presyo ay ang ampalaya na nasa singkwenta o P50 na lang ang kada kilo, ang talong na sa P40 ang kada kilo, ang okra naman ay nasa P50 na rin ang kada kilo nito. Ang kada kilo rin ng kamatis ay nasa P15- P20 na lang at iba pang mga presyo ng gulay na bumababa na rin.

Samantala, inaasahan ang tuloy tuloy pang pagbaba ng presyo ng gulay sa susunod pang mga araw. |ifmnews
Facebook Comments