
Narito ang presyo ng mga karneng itinitinda sa Paco Public Market sa Maynila ngayong Martes ng umaga.
Para sa baboy, nasa P320 hanggang P340 ang kada kilo ng kasim, pigue, at porkchop.
Habang ang per kilo naman ng liempo ay naglalaro sa P380 hanggang P400.
Sa manok naman, ang isang buong manok ay nasa P200 hanggang P210 kada kilo habang ang choice cuts naman ay nasa P210 hanggang P220.
Ang laman naman ng baka ay nasa P400 ang kilo at ang ribs ay nasa P380.
Ayon sa mga nakausap nating mga retailers ay bahagyang tumaas ang presyo ng kanilang itinitindang karne partikular na ang baboy matapos ang holiday season.
Facebook Comments










