Manila, Philippines – Mahigit isang buwan bago Magpasko, nagmahal na ang presyo ng ilang klase ng hamon.
Ayon kay Francisco Buencamino Jr., executive director ng Philippine Association Meat Processor Incorporation (PAMPI), hanggang 11 percent o katumbas ng lima hanggang apatnapu’t siyam na piso ang dagdag-presyo sa ilang kilalang brand ng hamon sa supermarket.
Aniya, ilan sa dahilan ng taas presyo ay ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar at ang inaprubahang umento sa minimum wage.
Habang tumaas din aniya ang presyo ng baboy.
Sinabi naman ni Trade Assistant Director Lilian Salonga, na sa weekend na nila ilalabas ang listahan ng presyo ng mga produktong pang-noche buena.
May ilang brand ng noche buena items na bumaba pa ang presyo pero mayroon ding hindi nagbago.
Habang may ilan ding tumaas ang presyo gaya ng fruit cocktail at quezo de bola.