Presyo ng ilang panghanda sa Media Noche, tumaas!

Nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang panghanda sa Media Noche sa ilang pamilihan sa Metro Manila, isang araw bago ang Bisperas ng Bagong Taon.

Tinatayang aabot sa P330 ang kada kilo ng karneng baboy; P180 naman sa kada kilo ng manok at P400 naman sa kada kilo ng baka.

Habang nagtaas din ang presyo ng mga prutas na bilog kung saan P100 sa kada piraso ng pakwan, P30 sa kada piraso ng mansanas at P15 naman sa kada piraso ng ponkan.


Facebook Comments