Presyo ng ilang pangunahing bilihin, nakaambang tumaas ulit

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakatanggap sila ng request mula sa ilang food manufacturers para sa hirit na dagdag-presyo.

Ito’y kasunod na rin ng walang tigil na taas ng presyo ng produktong petrolyo at production cost.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo na 3 manufacturers na ang humiling sa ahensya ng price adjustment.


Kasama rito ang gumagawa ng Pinoy tasty at Pinoy pandesal gayundin ang detergent bars at 1 brand ng canned sardines.

Ayon kay Castelo, masusing pag-aaralan ng DTI kung papayagan nila ang hirit na price adjustment at kung magkano.

Sa ngayon, mahal kasi ang presyo ng mga pangunahing sangkap ng tinapay dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan nanggagaling ang trigo.

Matatandaan nitong May 11 nang payagan ng DTI na magtaas ng presyo o SRP ang ilang basic neccessities at prime commodities kabilang na ang kape, sardinas, canned goods at bottled water.

Facebook Comments