Bumaba ang presyo ng ilan sa pangunahing gulay na binibili sa pamilihang bayan ng Lingayen.
Ayon sa ilang tindera ng gulay, naramdaman nila ang mababang presyuhan sa kada kuha ng suplay ng ilan sa gulay na kanilang itinitinda.
Isa na rito ang pechay na nasa 10 pesos ang isang tali, kamatis na nasa 20 pesos ang isang kilo na siyang mabenta rin ngayon, carrots na nasa 70 pesos, at patatas na nasa 80-100 pesos.
Habang ang nakikitaan naman umano ng pabago-bagong presyo ay ang produktong repolyo kung sa sa kasalukuyan ay naibebenta ng 60 pesos.
Samantala, ang sibuyas naman ay nakitaan rin ng pagbaba kung saan nasa 150 pesos ang kada kilo habang nasa sampung piso kasa supot naman ang siling labuyo at siling berde. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









