Presyo ng ilang paninda sa Pasay Public Market, bumaba dahil sa mabagal na inflation rate nitong Marso

Naramdaman ng ilang tindera ang pagbaba ng presyo ng ilang mga paninda sa merkado nitong nakaraang buwan kaugnay ng pagbagal ng inflation sa bansa mula sa 8.6% noong Pebrero ay naging 7.6% nalang nitong Marso.

Una rito, mayroong 13 na commodity groups ang nakatulong para bumagal ang inflation.

Ilan sa mga pangunahing bilihin na malaki ang naging ambag ay pagkain, non-alcoholic beverages, transportasyon, housing, tubig, kuryente at gas.


Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang gulay ang pinakanangungunang nakatulong sa pagbagal ng inflation rate mula 31.1% noong Pebrero naging 20% nalang ang inflation nito.

Dagdag ng ilang tindera, malaki raw talaga ang ibinababa ng mga paninda nilang gulay nitong Marso kumpara noong Pebrero, naging mataas din umano ang bentahan nila buhat ng dumaan ang Semana Santa.

Sa ngayon ay marami umano ang namimili dahil sa ramdam na ramdam ang pagbaba ng presyo ng mga paninda.

Facebook Comments