Nararanasan ngayon sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ang mataas na presyuhan ng ilang produktong isda sa nakalipas na mga araw.
Sa Dagupan City, ang bangus, naglalaro sa P220 hanggang P240 ang kada kilo. Ayon sa mga bangus harvester, kaunti raw ang suplay ngayon ng nasabing isda kaya ramdam ang mataas na presyo nito sa merkado.
Sa Mangaldan, nasa P240 hanggang P260 ang kada kilo nito, ang tilapia nasa P130 hanggang P140, habang ang Galunggung, sumipa rin sa P300 hanggang P320.
Ayon sa Department of Agriculture, bunsod pa rin umano ito ng epekto ng sunod sunod na bagyong dumaan sa bansa.
Isa rin sa nakikitang salik sa pagtaas sa presyuhan ng ilan pang pangunahing bilihin tulad karne ay pagpasok ng ber months.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, lumobo sa 1.5% ang inflation rate nitong Agosto mula sa 0.9% noong Hulyo, kung saan ang food inflation ay naitala sa 0.6% nitong nagdaang buwan, mula sa 0.5%.
Samantala, umaasa naman ang mga mamimili na hindi na sumipa pa lalo ang presyuhan ng mga pangunahing mga bilihin.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







