Bumaba sa 45% ang presyo ng ilang produktong pang-agrikulutra sa Metro Manila kasunod ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.
Batay sa tala ng Department of Agriculture (DA), mula sa dating 94 pesos per kilo ng ampalaya; 88 pesos per kilo ng sitao at 82 pesos per kilo ng talong, naging 80 pesos, 70 pesos at 60 pesos per kilo na lang ang mga ito.
Bumaba rin ang kilo ng bangus na mula sa 177.50 pesos ay naging 160 pesos per kilo na lang; ganundin ang tilapia na mula sa 132 pesos ay naging 120 pesos per kilo na lang; at ang galunggong na mula sa 200 pesos ay naging 160 pesos per kilo na lang ito.
Facebook Comments