Cauayan City, Isabela- Bahagyang nagkaroon ng paggalaw sa presyo ngayon ng ilang prutas gaya ng mga citrus fruits at saging.
Ang dating 60 hanggang 70 pesos na presyo ng isang kilong saging, ngayon ay umaabot na sa 90 bawat kilo.
Samantala, mula sa halagang 15 hanggang 20 pesos na presyo ng hilaw na saging sa San mariano na kung saan ay kilalang pinagmumulan ng saging ay umaabot na ito ngayon sa 50 kada kilo.
Matatandaan na gumalaw ang presyo ng saging matapos mag-viral ang isang video na nagsasabing mabisang panlaban ito sa COVID-19.
Ayon sa mga may-ari ng fruit stand, maliban sa saging at citrus fruits ay walang paggalaw sa presyo ng iba pang prutas.
Ang dalandan ay umaabot na sa 20 kada piraso at ang kiat-kiat ay nasa 160 pesos ang isang kilo.
Ang citrus fruit ay kilala sa vitamin c na mabisang pampalakas ng immune system.
Ayon sa mga mamimili, maliban sa alcohol at face mask ay pahirapan na rin ang pagbili ng vitamin c sa mga botika.
Samantala, may paalala so Doc Willie Ong na bagamat masustansya ang saging ay wala pang dapat na batayang siyensya na panlaban ito sa covid 19.
Pinapayuhan ang mamamayan na kung maaari ay hanggang 2 pirasong saging lamang ang kailangan ikunsumo bawat araw dahil mayaman din ito sa kreatenin na maaaring makasama sa kalusugan kung nasobrahan.