MANILA – Nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang school supplies habang papalapit ang pasukan.Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Protection and Advocacy Bureau Assistant Director Lilian Salonga, batay sa kanilang monitoring tumaas ng singkwenta sentimos ang ilang brand ng notebook habang piso hanggang pitong piso ang itinaas ng presyo ng ballpen, lapis, pambura at krayola.Pero mas maraming supplies anya ang hindi gumalaw at bumababa pa ang presyo.Kabilang na rito ang ilang brand ng notebook na naglalaro sa P9.00 hanggang P31.00 ang Suggested Retail Price (SRP) depende sa brand at klase ng papel.Ipapaskil ng DTI ang SRP ng mga school supplies sa mga mall at iba pang bentahan sa susunod na Linggo.Tiniyak naman ng DTI na hindi na magbabago ang presyo nito hanggang pasukan sa June 13.
Presyo Ng Ilang School Supplies, Nagsimula Nang Tumaas Ilang Linggo Bago Ang Pasukan
Facebook Comments