Manila, Philippines – Nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang school supplies, ilang araw bago ang pasukan.
Ayon kay Trade and Industry Asec. Teodoro Pascua, batay sa kanilang paglilibot sa mga pamilihan kapansin-pansin na tumaas ang presyo ng ilang gamit sa eskuwla kabilang na ang notebook, papel at lapis.
Pero may ilang brand naman aniya ang hindi nagpatupad ng dagdag presyo.
Bukod aniya sa presyo ay mino-monitor din nila kung nagkakaroon ng deceptive sales o kung nandadaya sa kanilang paninda ang mga negosyante.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Pascua ang mga mamimili na ipagbigay alam sa kanila sakaling may makitang paglabag o pag-abuso.
DZXL558
Facebook Comments