Iligan City – Tumaas ang presyo ng illegal na druga sa lungsod ng Iligan.
Ito ang kinumpirma niPNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga kayat patuloy nabumaba ang gumagamit nito ikumpara noong wala pa ang kampanya ni PresidenteRodrigo Duterte sa war on drugs.
Ayon kay Ga,basi sa kanilang namonitor, ang dating mabibili lang na 200 pesos ngayon ay nasa800 hanggang 1000 pesos.
Nagpapatunay umano itona bumaba ang supply ng illegal na druga sa iligan kayat tumaas ang presyo nito.
Epekto din ito sa subsob na kampanya ng kapulisan sa iliganlaban sa illegal na druga.
Bagay naman ito naikinatuwa ni Ga sapagkat senyales na umano ang pagbaba ng supply sa illegal nadruga sa mga susunod na araw at buwan magiging drug free na ang lungsod ng Iligan. (Ghiner L.Cabanday, RMN Iligan)
Presyo ng Illegal na Druga sa Iligan tuma-as
Facebook Comments