Mas mataas ang presyo ng imported na bigas kaysa sa lokal na bigas sa mga pamilihan sa Dagupan City.
Sa Malimgas Public Market, ang imported na bigas ay naglalaro mula 55-57 pesos ang kada kilo samantalang ang lokal na bigas ay naglalaro mula 37-53 pesos ang kada kilo.
Saad ng ilang konsyumer sa Dagupan City na hindi pa rin umano nila ramdam ang tuluyang pagbaba sa presyo ng bigas sa merkado.
Ayon Kay SINAG Engr. Rosendo So, Bagamat may 37 pesos na kilo ng bigas ay hindi pa rin umano ito sapat dahil hindi rin lahat ng mga pilipino ay pinipili ang ganitong uri ng bigas.
Ayon sa Department of Agriculture, nakaapekto ang pandaigdigang presyo at maging paghina ng piso kontra dolyar sa presyo ng imported na bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments