Presyo ng imported na karne, nakaambang tumaas

Nakaamba na sa mga susunod na buwan ang taas-presyo ng mga imported na karne dahil sa epekto ng African swine fever o ASF.

Ayon kay meat importers and traders association president Jess Cham – lahat ng halos na imported na karne sa buong mundo ay binibili sa China.

Kabilang sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang imported na ham, tocino, tenga, pisngi at atay.


Apektado rin aniya ang ilang karne gaya ng manok at baka.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol – maganda ang pagkakataong tumaas ang presyo ng imported para sa mga local hog raiser.

Bukod dito, tinitingnan din ang pag-export ng baboy sa China para makatulong sa problema ng supply.

Facebook Comments