Presyo ng imported well-milled rice, inaasahang bababa sa susunod na buwan

Inaasahang bababa ang presyo ng inangkat na well-milled rice sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kapag nag-umpisa nang dumating ang mga inangkat na bigas sa ilalim ng rice tariffication law, madadagdagan na ang suplay ng bigas sa bansa dahilan para bumaba ang presyo nito.

Aniya, maglalaro sa P30 hanggang P32 kada kilo ang presyo ng inangkat na well-milled rice mula sa kasalukuyang presyo nitong P44 kada kilo.


Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa rice tariffication na nagtatanggal ng limitasyon sa pag-angkat ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

Kasabay nito, tiniyak ni Lopez na hindi mapapabayaan ang mga magsasaka sa bansa dahil sa pagtanggal sa limitasyon sa pag-angkat ng bigas.

Aniya, inaasahan ng gobyerno na may dagdag na kita mula sa taripa na aabot hanggang sa P10 bilyon kada taon, na mapupunta sa mga magsasaka ng bansa.

Facebook Comments