Nararanasan na ngayon ang unti-unting pagtaas sa presyo ng ilang isda sa pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Tumaas ng hanggang P30 ang kada kilo ng ilang mga isda tulad ng oriles, pingka at sapsap at lapu-lapu.
Ang alimasag, alimango, hipon at pusit umakyat sa 50 pesos ang itinaas.
Ayon sa mga tindero, posibleng tataas pa raw ang presyo pagdating ng Huwebes Santo.
Samantala, pagkumpirma rin ng mga ito na nananatiling matatag ang produksyon ng mga fish products lalo na ang mga higit tinatangkilik ngayong panahon ng Kwaresma. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments