
Sa kabila ng ilang sunod-sunod na araw ng masamang lagay ng panahon, bahagyang bumaba ang ilang presyo ng isda sa Divisoria Market sa Maynila.
Ang presyo ng kada kilo ng Bangus ay nasa P260 na lamang kumpara sa ibang palengke na P280 – P330.00.
Bumaba rin sa P150 ang Tilapia na dati ay nasa P180.00 habang nananatili sa P230.00 ang Galuggong.
Ang kada kilo ng Tulingan ay nasa P160, Maya-Maya – P100, P240 ang Yellow Fin at Dalagang Bukid – P2600.
Ang Pampano na bahagyang bumaba sa P420 na dati ay nasa P450-480.00 habang nasa P400 ang kilo ng Hipon at P100 naman ang kada kilo ng Tahong.
May ilan naman na ibinebentang iba’t ibang isda dito na P100 ang kada tumpok.
Facebook Comments









