Presyo ng isda sa mga palengke, hindi dapat magtaas sa papasok na Semana Santa ayon sa DTI

Walang dapat mangyaring pagtataas ng presyo ng isda sa pagsisimula ng Semana Santa.

 

Ito’y kahit na inaashang magiging mataas ang demand sa isda sa susunod na linggo lalo pa’t tuwing mahal na araw ay may mga umiiwas sa pagkain ng karne.

 

Paliwanag ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, may sapat naman ng suplay ng isda sa merkado kung kaya’t hindi dapat magbago ang presyo nito.


 

Dagdag pa ni Castelo, hindi makatwiran na samantalahin ng mga nagtitinda ang pagtataas ng presyo dahil lang Semana Santa.

 

Samantala, tiniyak din ng ahensya na magsasagawa sila ng mahigpit ng monitoring sa mga posibleng mang-abuso.

 

Nabatid na kahapon, nagsagawa ng inspeksyon ang DTI sa mga piling palengke sa Maynila at dito nila nadiskubre ang mga bilihin na hindi nakasusunod sa itinakdang Suggested retail price.

Facebook Comments