Presyo ng isda sa Pasig Public Market, bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang isda sa Pasig Public Market.

Ayon sa mga tindera ng isda, epekto pa rin ito ng mga nagdaang sama ng panahon.

Ang presyo ng galunggong ay pumapalo ngayon sa P270 kada kilo na dating mabibili lamang sa P220.

Ang maya-Maya P380 na dating P260, Lapu-Lapu pumapalo sa P420 kada kilo dati nasa P340 lang per kilo.

Ang Yellow Fin nasa P300 dati P220, Bangus Dagupan P180 hanggang P220 per kilo na dating P170 at Matambaka na P320 per kilo na dating mabibili sa P300 kada kilo.

Ang pusit mabibili sa P420 kada kilo at ang masarap na pangsigang ngayong umaga na hipon ay mabibili sa P419 – P450 kada kilo depende sa laki.

Facebook Comments