PRESYO NG ITLOG, BUMABA; SUPLAY, POSIBLENG MAAPEKTUHAN NG PABAGO-BAGONG PANAHON

Matapos ang ilang linggong pagtaas sa presyo ng itlog sa merkado, nakitaan na ito ngayon nang pagbaba. Sa pampublikong pamilihan sa Dagupan City, nasa P4.50 hanggang P5. 00 ang mabibiling pinakamaliit na piraso ng itlog.

Malayo ito mula sa mataas na presyo ng maliit na size na umabot sa P8. Mayroon ding Nasa P6 hanggang P10 ang presyuhan depende sa size na bibilhin.

Ayon sa nakapanayam na mga egg vendors, posible raw na tumaas muli ang presyo sa panahon ng tag-ulan.

Anila, kapag mainit ay marami-rami ang suplay bagamat maliit, subalit kung taglamig na, kaunti man ay malalaki naman ang mga mailalabas na itlog.

Samantala, matatag ang suplay ng itlog ngayon sa mercado at walang nakikitang shortage. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments