Nararanasan ngayon sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang bahagyang pagbaba sa presyo ng itlog.
Nasa P6.50 na ang pinakamaliit na Itlog habang nasa P9/pc naman ang malaking size.
Ayon sa ilang tindera ng Itlog na nakapanayam ng IFM News Dagupan, hanggang sa kasalukuyan ay wala umanong nararanasang kakulangan sa suplay nito.
Nilinaw ng mga ito na bagamat nakakaapekto ng bahagya ang nararanasang lamig ng panahon sa paglaki ng mga itlog, ay mayroon umanong oversupply sa produkto.
Samantala, ayon sa mga consumers, bagamat mataas pa ang presyuhan ng itlog ngayon ay mas mainam na ito kung ikukumpara sa presyo noong mga nakaraang linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments