PRESYO NG ITLOG SA ILANG PAMILIHAN SA PANGASINAN, NANANATILING MATAAS

Nananatili pa ring mataas ang presyo ng itlog sa ilang pamilihan sa Pangasinan.

Ayon sa ilang tindera ng itlog sa lalawigan, nitong nakaraan ay pahirapan ang pagkuha ng ilang suplay dahil sa kaunting suplay nito sa mga nakaraang buwan.

Nanatiling nasa PHP 7 ang pinakamababang presyo habang PGP 9 ang pinakamataas na presyo.

Anila, maaaring may epekto ang maalinsangang panahon sa kondisyon at pangingitlog ng mga inahing manok.

Ilan konsyumer rin umano na hindi maiwasang dumaing sa presyuhan ng itlog at umaasang magkakaroon ng pagbabago rito sa mga susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments