Lalo pang tumaas ang presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City depende pa sa pipiling laki o size ng mga ito.
Sa merkado, pinakamababang presyo na ng small size ng itlog ay anim hanggang pitong piso, medium size na naglalaro sa walo hanggang siyam na piso, at ang pinakamalaki ay pumatak na rin sa sampung piso.
Ayon naman sa Philippine Board Egg Association, kinumpirma nito na may pagtaas na sa presyo ng nasabing produkto kumpara sa dating presyuhan nito.
Isa sa nakikitang salik ng pagtaas ay ang tumigil na mga poultry farmers dahil umano sa nararanasang pagkalugi.
Samantala, asahan ang pagtaas pa umano ng presyo ng itlog sa mga susunod pang buwan lalo na at paparating na ang buwan ng Disyembre. Bagamat may kamahaln na sa presyo, tiyak pa rin ang taas ng demand nito lalo na at isa ang itlog sa mga karaniwang ginagamit sa mga holiday seasons. |ifmnews
Facebook Comments