Patuloy na bumababa ngayon ang presyo ng itlog na ibinebenta sa ilang mga palengke sa Metro Manila gaya sa Muñoz Market sa QC na naglalaro na sa ₱20 hanggang ₱30 ang bawat tray ng itlog.
Ang maliit na sukat na itlog na dating nasa ₱210 ang kada tray ngayon ay nasa ₱180 o ₱6 bawat piraso ng itlog.
Ayon sa mga tindera ng itlog kaya pa umanong ibaba hanggang ₱5.50 ang kada piraso ng itlog kung saan noong nakalipas na taon ay umabot pa ng mahigit ₱5 lang ang kada piraso ng itlog.
Tuloy-tuloy umano ang pagbaba kada linggo ng presyo ng itlog sa Muñoz Market kung saan ₱0.50 ang bawas sa kada tray ng itlog kaya tuloy na nababawasan ang presyo ng itlog.
Pangunahin dahilan umano ng pagbaba ng presyo ng itlog ay dahil sa sobra sobrang supply nito sa ngayon.