PRESYO NG ITLOG SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, MAY PAGTAAS

Nararanasan ngayon ng ilang mga mamimili sa lungsod ng Dagupan ang paggalaw sa presyo ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod.
Ayon sa mga ito, wala na raw halos makita na limang piso hanggang anim na piso na presyo ng kada itlog. Sa ngayon ay nasa siete pesos o 7 pesos na ang pinakamurang presyo ng itlog at karagdagang presyo depende sa laki ng bibilhing produkto.
Ayon sa mga personal na nakapanayam ng IFM Dagupan, sabay sabay na umano ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad pa ng karne, manok at baboy, mga gulay at bigas.

Matatandaan na na tumaas ang inflation rate sa bansa noong buwan ng Agosto ngayong taon ng hanggang 5.3% at posible rin ang naging pagpalo sa 5.3% hanggang 6.1% ang inflation rate sa bansa nito lamang buwan ng Setyembre sa naging pagtataya ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasabay ito ng pagtaas din ng presyo ng gasolina, kuryente, at mga pangunahing bilihin sa agrikultura, gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso.
Samantala, inaasahan naman ang pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado kahit pa mataas din ang demand ng nasabing produkto. |ifmnews
Facebook Comments