Presyo ng itlog, tumataas na dahil sa kakapusan sa suplay nito sa merkado

Nagsisimula nang tumaas ang presyo ng itlog sa merkado.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara na epekto ito ng poultry diseases lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Uyehara, bumababa ang resistensya ng mga paitluging manok dahilan para kumonti ang produksyon at suplay nito sa merkado.

Sa price monitoring ng egg board, nasa ₱7 hanggang ₱7.30 ang farm gate price ng medium size na itlog kung saan dalawang piso pataas ang posibleng ipatong ng mga retailer.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang grupo sa Department of Agriculture para maresolba ang kakulangan sa suplay ng itlog lalo na’t malapit na ang ber months kung saan in-demand ito.

Facebook Comments