PRESYO NG KADA KILO NG BABOY SA PAMILIHAN NG SAN FABIAN, UMABOT NA SA P400

Tumaas ng sampung piso ang bentahan ng kada kilo ng karne ng baboy sa palengke ng San Fabian ayon sa ilang tindera ng karne.

Anila, nasa 390-400 pesos na ang kada kilo ng karne ng baboy na kanilang ibinebenta ngayon kung ikukumpara noong nakaraan na nasa 380-390 pesos ang kada kilo.

Bihira lang din umano ang bumibili sa kanilang pwesto dahil ang iba sa mga mamimili ay dumadayo sa pamilihan ng kalapit na bayan dahil mas marami umanong mapagpipilian.

Ang presyo naman ng karne ng baka ay nananatili sa 440 pesos ang kada kilo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments