Ramdam na ng mga mamimili ang bahagyang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng ilang bigas sa Divisoria, Maynila.
Nabatid na mula sa dating P47.00 na kada kilo ng bigas, nasa P51.00 na ang pinakamababang presyo nito.
Nasa P63.00 naman ang pinakamataas na presyo kung saan ang malagkit ay nasa P70.00 ang kada kilo.
Karamihan sa mga ibinebentang bigas ay nagmula pa sa Nueva Ecija kung saan halos lahat ng nagtitinda ng bigas ay umaasang wala na sanang pagtaas ng presyo ng bigas.
Iginiit ng iba sa kanila na kung tataas pa ang presyo ng bigas, posibleng gumawa ng hakbang ang pamahalaan tulad na lamang ng ipinatupad na price cap.
Muli rin nilang ipinaliwanag na hindi solusyon ang pag-angkat dahil marami naman suplay na nakukuha mula sa local farmers.
Facebook Comments