Presyo ng kada kilo ng LPG, muling tataas ngayong araw

Simula ngayong araw ay tataas muli ang presyo sa kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG) sa Metro Manila.

Mula sa naunang estimate na P1.60 centavos kada kilo ay inaasahang lalo pa itong lolobo sa P2.70 centavos hanggang P3 kada kilo.

Ibig sabihin kung P3 ang taas-presyo kada kilo ay magiging katumbas na ito ng P33 sa kada litro o kada 11 kilogram ng tangke.


Sa ngayon, naglalaro na sa mahigit P800 hanggang lagpas P1,000 ang presyo ng regular na tangke ng LPG sa Metro Manila.

Facebook Comments