Presyo ng kada kilo ng LPG, tataas ng higit P2 sa Biyernes

Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang presyo ng imported na petrolyo sa unang dalawang araw ng kalakalan sa world market.

Mula February 25 hanggang 26, nasa P0.17 ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng diesel, P0.16 sa gasolina at P0.38 sa kerosene.

Pero ayon kay Atty. Bong Suntay, Presidente ng Independent Philippine Petroleum Companies Association – maaari pa itong mabaligtad sa huling tatlong araw ng trading.


Pero ang bad news, may bigtime price hike sa liquified petroleum gas (LPG) sa Biyernes.

Nasa P2.50 hanggang P2.90 kada kilo o P27.50 hanggang lagpas P31 ang itinaas na contract price ng kada regular na tangke ng LPG.

Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P576 hanggang P755 na presyo ng LPG ngayon, magiging P630 hanggang P782 na ito sa Biyernes.

Paliwanag ni South Pacific Inc. President Jun Golingay – resulta ito ng mas mataas na demand ng LPG sa buong mundo.

Pero tiyak din naman daw ang pagbaba ng presyo nito sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments