Presyo ng kada litro sa diesel, posibleng bumaba muli sa susunod na linggo; Pero halaga ng itinaas ng oil products ngayong taon, baka hindi na mabawi ayon sa DOE

Posibleng bumaba mula ₱0.10 hanggang ₱0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), base pa lamang ito sa unang dalawang araw ng kalakalan ngayong linggo.

Ngunit masamang balita naman dahil sinabi ni DOE Director Rino Abad na baka hindi na mabawi ang kabuuang itinaas ng oil products ngayong taon


Ito ay matapos kontrahin ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang mga hakbang na magpaparami sana sa supply ng langis.

Mababatid na inaunsyo ng Iran na magbebenta na ito ng langis at magpapataw naman ng mas mataas na interest rate ang European Central Bank at US Federal Reserve upang makontrol ang inflation na makakatulong sana sa pagpaparami ng suplay ng langis.

Pinalagan ito ng OPEC at inanunsyong magbabawas ito ng 100,000 barrels sa kanilang oil production.

Batay sa huling datos ng DOE, tumaas na ng ₱16.95 ang kada litro ng gasolina ngayong taon, ₱36.25 naman sa diesel at ₱31.60 para sa kerosene.

Facebook Comments