Bumaba ang 60 percent ang presyo ng kamatis sa Nepa Q-Mart sa Quezon City.
Ayon sa retailer na si Rodel Vargas, maging siya ay nagtaka sa mabilis na pagbaba sa presyo ng kamatis.
Aniya, mula sa dating presyo na P250 per kilo, ngayon ay nasa P85 na ang presyo kamatis.
Aniya, nitong linggo lamang, bumaba sa P160, P120 hanggang P95 ang kada kilo ng kamatis.
Kwento ni Vargas, nabubulok na rin kasi ang benta nilang kamatis dahil hindi na ito makayang bilhin ng masa o ordinaryong mamimili.
Kaya, natakot marahil ang mga wholesaler na mabulukan ng imbak nilang kamatis kaya kapansin-pansin na dumami at nagmura ito ngayon.
Samantala, nagmahal ng P40 ang kada kilo ng sibuyas, mula sa P100 kada kilo, naglalaro ito ngayon sa P140 per kilo.
P980 umano ang kuha nila per sack sa wholesaler, pero, marami umanong damaged dahil sa tagal ng pagkakaimbak sa mga storage facility, dahilan upang mag-adjust din ng presyo ang katulad nilang retailer.