PRESYO NG KAMATIS, PUMALO SA P200 KADA KILO

CAUAYAN CITY – Umabot na sa P200 hanggang P250 kada kilo ang presyo ng kamatis sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan, dulot ng kakulangan sa suplay mula sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).

Ayon kay Pablito Quinagoran Jr., isang nagbebenta ng kamatis, nagiging hamon ang suplay ng kamatis tuwing tag-ulan dahil sa hirap mamunga ng mga tanim, kaya mas maraming ani tuwing tag-init.

Ang presyo ng kamatis ay nakadepende sa laki at hinog nito, kung saan ang pinakamahal ay ang klase ng diamante, na nagkakahalaga ng hanggang P250 kada kilo.


Ayon kay Quinagoran, ang kanilang angkat mula sa NVAT ay nasa P190 kada kilo, na nag-iiwan ng maliit na kita na P10 kada kilo.

Dahil sa pagtaas ng presyo, ramdam ang pagbagsak ng bentahan ng kamatis sa pamilihan.

Facebook Comments