PRESYO NG KAMATIS SA DAGUPAN CITY, PUMALO SA P240/ KILO

Nanatiling mataas ang presyo ng kamatis sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan na pumalo pa sa P240 kada kilo nitong mga nagdaang araw.
Bagaman bahagya na itong bumaba, nagiging hamon para sa mga vegetable vendors ang pagbebenta nito. Ayon sa isang tindera ng gulay, mas mababa na ngayon ang presyo kumpara noong mga nakaraang linggo.
Paliwanag ng ilang negosyante, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang epekto ng mga nagdaang bagyo na nakaapekto sa produksyon ng kamatis.

Dahil sa mataas na presyo, marami sa mga konsyumer ang bumibili ng tingi-tingi na umaabot sa P50 hanggang P60 para sa 1/4 kilo, o tatlo hanggang apat na piraso.
Daing ng mga mamimili, nagiging pasanin ang pagtaas ng presyo ng kamatis, lalo na’t isa ito sa karaniwang sangkap sa pang-araw-araw na lutuin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments