PRESYO NG KAMATIS SA ILANG PAMILIHIN SA PANGASINAN, SUMADSAD NA SA 50-60PESOS PER KILO

Sumadsad na sa 50 pesos hanggang 60 pesos ang kada kilo ng kamatis sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Matatandaan na umabot sa 260 pesos ang kada kilo nito noong mga nakaraang linggo sa lalawigan.

Ayon sa ilang tindera, kung ikukumpara noong mga nakaraang linggo, mas marami na ang muling tumatangkilik ng kamatis ngayon.

Matatandaan na apektado ang naturang pagtaas ng presyo ng kamatis dahil sa nagdaang bagyo.

Umaasa naman ang mga konsyumer na magpapatuloy na ang pagbaba sa presyo ng mga bilihin tulad ng gulay upang kahit papaano ay pasok sa kanilang budget ang ihahain sa hapag kainan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments