PRESYO NG KAMATIS SA MGA PALENGKE SA PANGASINAN, BUMABA NA

Nakitaan na ng pagbaba ang presyo ng kamatis sa mga palengke sa Pangasinan matapos sumirit ang presyo nito sa 240 kada kilo noong nakaraang linggo.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, sanhi umano ito ng mga nagdaang weather disturbances sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sa Dagupan City, bumaba na ng 80 piso kada kilo nito na ngayon ay nasa 160 pesos kada kilo.

Samantala, inaasahan na sa buwan ng Pebrero ay magkakaroon na ng maraming suplay nito dahil sa panahon ng anihan.

Samantala, Nakitaan rin ng pagtaas ng presyo ang sili at bell pepper. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments