Walang magiging pagtaas sa presyo ng kandila sa gitna ng pagtaas sa demand nito habang papalapit ang Undas 2022.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mananatili pa rin sa P29.75 hanggang P177.71 ang Suggested Retail Prices (SRP) ng kandila, depende sa sukat at bilang ng mga piraso kada pakete.
Batay sa pinakabagong SRP ng DTI, mabibili ang:
• 5-star Esperma – P49.83 hanggang P137.93
• Export candles – P29.75 hanggang P99.75
• Liwanag Esperma candle – P46.42 hanggang P177.71
• Manila Wax – P47.74 hanggang P82.76
Nagbabala naman ang DTI sa mga retailer na huwag taasan ang presyo ng unscented candles nang higit sa SRP dahil ikinukunsidera pa rin ito bilang basic goods.
Pinapayuhan din ng ahensya ang mga mamimili na bumili ng mga kandila sa mga grocery at supermarket.
Samantala, hindi naman maglalabas ng SRP para sa mga bulaklak ang DTI dahil hindi anila ito ikinokonsiderang basic necessities at prime commodities.