PRESYO NG KANDILA SA ILOCOS REGION, WALA PA RING PAGTAAS

Inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) 1 Regional Director Grace Falgui-Baluyan na wala pa ring pagtaas sa presyo ng kandila isang linggo bago ang obserbasyon ng Undas 2022.
Aniya, nanatiling nasa SRP pa rin ang presyo nito batay sa inilabas na SRP noong ika-12 ng Agosto ngayong taon. Nanatiling nasa 29 hanggang 100 pesos ang kada pakete ng kandila base sa klase at bilang nito.
Inihayag din ni Baluyan na bagamat may kaunting pagtaas sa nakaraang SRP, ito ay dahil sa ibang ginagamit sa paggawa ng kandila.

Hanggang sa ngayon makakabili pa ang publiko ng kandila base sa SRP na inilabas ng kagawaran.
Ayon naman sa ilang tindera sa rehiyon, inaasahan na tataas ang presyo nito pagsapit ng ika-31 ng Oktubre. |ifmnews
Facebook Comments