PRESYO NG KARNE AT GULAY SA PANGASINAN, MALIIT LAMANG IBINABA NGAYONG UMPISA NG OKTUBRE

Maliit na halaga lamang ang ibinaba sa mga presyo ng karne at gulay sa lalawigan ng Pangasinan sa pagpasok ng buwan ng Oktubre kumpara nitong Setyembre taong kasalukuyan.
Base sa tala ng Department of Agriculture Ilocos Region mula October 2-6, 2023, walang pinagbago sa presyo ng mga karne sa lalawigan ng Pangasinan kung saan nananatili sa 300-380 pesos ang kada kilo ng baboy habang 200 pesos naman sa kada kilo ng manok.
May bahagyang paggalaw naman sa presyo ng mga lowland vegetables kung saan 10-20 pesos ang ibinaba kumpara noong Setyembre tulad ng ampalaya na nasa 120 pesos ang kada kilo ngayon, kamatis na nasa 100 pesos, sitaw, talong at okra na nasa 80 pesos.

Ang maliit lamang na bawas sa mga presyo ng karne at gulay ay dulot pa rin ng naranasang pabago-bagong panahon nitong mga nakaraan sa lalawigan at maging banta ng African Swine Fever at Avian Influenza sa mga alagang baboy at manok. |ifmnews
Facebook Comments