Posibleng maapektuhan ng sunod-sunod na oil price hike ang presyo ng karneng baboy sa Metro Manila.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura President Rosendo So, inaasahang madadagdagan ngayong linggo ng P20 ang kada kilo ng baboy o P40 ngayong buwan.
Kaugnay nito, hiniling ni So na suspindehin na ang excise tax sa langis para bumaba na rin ang presyo ng petrolyo.
Paliwanag nito, sa oras na tanggalin ang taripa, hindi lamang ang magbababoy ang makikinabang kundi pati na rin ang mga magsasaka, taga-transport ng pagkain at mga konsyumer.
Facebook Comments