PRESYO NG KARNE NG BABOY, INAASAHANG TATAAS SA MGA SUSUNOD NA ARAW SA DAGUPAN CITY

Inaasahan ng mga meat vendors sa Malingas Public Market sa Dagupan City ang posibleng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa mga susunod na araw.

Ayon sa ilang vendor na nakapanayam ng IFM News Team, maaaring tumaas ng sampu hanggang bente pesos ang presyo ng karne sa bawat kilo. Ang dahilan ng pagtaas ay ang kakulangan umano ng suplay ng karne na inaangkat sa kanila.

Isang vendor ang nagsabi na pahirapan na naman ang pagbebenta ng karne ng baboy, ngunit wala silang magagawa.

Inaasahan naman nilang maaaring hindi magtagal ang pagtaas ng presyo kung magiging sapat na ang suplay ng karne ng baboy sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments