Presyo ng karne ng baboy, manok at isda sa ilang pamilihan, mas mataas kumpara sa itinalagang SRP

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na hindi sinusunod ng mga tindera sa ilang pamilihan ang Suggested Retail Price (SRP) na itinalaga sa karne ng baboy, manok at isda.

Dahil dito, nakiusap si Agriculture Undersecretary Noel Reyes sa ibang tindera na kung maaari ay huwag patungan ng mataas ang kanilang paninda.

Samantala, pumalo na sa P6,500 hanggang P15,000 ang presyo ng lechon sa La Loma sa Quezon City ilang oras bago ang Noche Buena.


Facebook Comments