Pumalo na sa 390 pesos ang kada kilo ng retail price ng karneng baboy sa palengke ng Binmaley.
Ayon sa ilang meat vendors, inaasahang tataas pa sa mga susunod na linggo ang kada kilo nito.
Kapansin pansin rin ang kaunting bilang ng mga bumibili sa meat section ng pamilihan dahil sa taas presyo nito.
Dagsa naman umano ang mga namimili ng isda sa bayan dahil sa kapistahan. Mabenta naman ang ilang produktong isda sa bayan Gaya ng bangus na nasa 180-200 pesos per kilo habang nasa 120-160 pesos naman sa isdang tilapia.
Samantala, sapat ang suplay ng mga produktong isda sa bayan sa pagdiriwang ng Sigay Festival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments