PRESYO NG KARNE NG BABOY SA CALASIAO, BUMABA NG 20 PESOS

Bumaba umano ng bente pesos ang kada kilo ang karne ng baboy ayon sa ilang tindera sa pamilihang bayan ng Calasiao.

Napansin naman umano nila ang lingguhang pabago-bagong presyo ng karne ng manok kung ikukumpara sa karne ng baboy.

Sa ngayon nasa 200 pesos habang 220 pesos ang bentahan sa kada kilo ng karne ng manok.

Samantala, unti-unti nanaman umanong sumisigla ang bentahan ng karne ng baboy ngayon kung ikukumpara nitong mga nakaraang linggo kahit pa nagsimula na ang panahon ng kwaresma. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments